Welcome to DepED Community !!!

Thursday, May 31, 2018

PSA CERTIFIED BIRTH CERTIFICATE HINDI KAILANGAN SA ENROLLMENT NG MGA BATA- DEP ED


Nilinaw ngayon ng Department of Education na hindi nila ino-obliga na mag- sumite ng Birth certificate na mula sa Philippine Statistics Authority ang mga bata sa enrollment.
Ito ang binigyang diin ni Camarines Norte Dep Ed Division Public Information Officer Antonio Ahmad.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet, sinabi ni Ahmad na sapat na ang Birth Certificate na mula sa Local Civil Registrar at hindi na kailangang gumastos pa para kumuha nito sa PSA.
Ginawa ni Ahmad ang pahayag sa gitna ng pagkukumahog ngayon ng mga magulang na kumuha ng birth certificate sa PSA na bukod sa kakailanganin pang pumunta ng Naga o Legaspi City para sa makuha agad, ay dagdag gastusin pa ng mga magulang.
Ito’y lalu pa’t simula nitong Pebrero ay nagmahal na rin ang mga Civil Registry Documents sa PSA bunsod ng TRAIN law.
Nilinaw din ni Ahmad na wala naman talagang enrollment period ngayon dahil otomatiko umanong naka- enroll ang mga bata.
Ito nga raw ang dahilan kung bakit hinihimok nila ang mga guro na ngayong Brigada Eskwela week ay ipaskil na sa mga classroom ang mga pangalan ng bata upang alam na ng mga ito bago pa man ang pasukan sa Lunes.
Ang kailangan lang daw mag- enroll sa ngayon ay ang kinder at grade 1.

7 comments:

  1. deped order 3 s. 2018... kailangan po ang psa na birth certificate sa kinder at grade 1

    ReplyDelete
  2. Does this apply nationwide? Or just in his province? Thanks for the info

    ReplyDelete
  3. Nation wide po ba? Paano po ang pwd ang anak ko po ay gsto na pumasok pero may kapansanan s salinas 1 bacoor po ang anak ko.. hnd po cya tinanggap ng sped.

    ReplyDelete
  4. Hnd kailangan sa ngayon pero kailangan po ito dahil me mga cases n mayayari n ng grade12 e dun plang nalamam n naka apelido pla s nanay .. dinaya pla ang certificate from local registrar.. mas maiigi maiprovide dn ng magulang para dn po s documents ng bata hnd n mahirapan pag tanda lalo n s pag aaply ng work pag member s sss gsis pagibig fun etc. Lalo n s pag claim ng benefits... tama dn ang i.d. nila if meron. Pero wag nmn ura urada at wg dn mgng dhilan para hnd tanggapin s school ang bata..... ��

    ReplyDelete
  5. Pwede po ba mag enroll/transfer sa public school ang estudyante kahit wala pang card. May back account kasi sa private school na pinanggalingan. Hindi pa mabayaran kasi naospital ang nanay. Pwede ba ang temporary enrolled?

    ReplyDelete
  6. Kailangan talaga ang PSA kasi may case kami na mali ang spelling ng bata ang birth date, birth place, minsan dalawa ang name pero sa PSA isa lang pala. Habang maaga malaman na correct data ng bata.

    ReplyDelete
  7. Mr. Antonio Ahmad of DepEd Camarines Norte have stated it clearly. The DepEd Order No. 3 s. 2018 does not exclusively specify Birth Certificate from PSA. It also allows birth certificate from the local civil registrar, and even barangay certification to the person in charge of registration.


    The last paragraph on page 4 of DepEd Order No.3 s. 2018 states:

    "Learners with no existing profile in the LIS shall fill out the Basic Education Enrollment Form provided as Annex 2, and submit their Birth Certificate from the Philippine Statistics Authority (PSA) formerly National Statistics Office (NSO) or the local civil registrar, or barangay certification to the person in charge of registration. Pertinent information from these documents shall be encoded in the LIS to create the learners' profiles. They will then be tagged as pre-registered learners. LRNs will only be issued on the first date of attendance. (Refer to Section VI. Enrollment Data Management of this Policy.)"

    ReplyDelete

Related Post