Welcome to DepED Community !!!

Saturday, May 26, 2018

Six days magre-report ang mga guro para sa BRIGADA ESKWELA pero three days lang ang service credits na ibibigay!

Matapos ang pasukan noong April, hindi natapos ang gawain ng guro sa pagpapasa ng LIS at iba pang forms. Sunod-sunod rin ang gawain para sa trainings, pag-serve sa election at ngayon naman ay brigada eskwela. Hindi required ang guro na tumungo sa paaralan. Karapatan nitong magpahinga at magbakasyon matapos ang nakauupos na taon ng pagtuturo.

Kung sakaling gustuhin ng guro na tumulong sa brigada eskwela. Kailangan ay marangal siyang bigyan ng service credits.
Ngunit, tila walang awa talaga sa mga guro itong si Sec. Briones! Batay sa DepEd Memo 66 series of 2018, six days magre-report ang mga guro para sa BRIGADA ESKWELA pero three days lang ang service credits na ibibigay!
Kailangan ng additional item para sa DepEd personnel upang hindi naipapasa kay teacher ang mga gawaing klerikal at paglilinis ng paaralan. Kailangan ring dagdagan ng budget sa edukasyon para hindi sa bulsa kinukuha ni teacher ang panggastos sa pag-aayos ng classroom at mga kagamitan sa pagtuturo!

No comments:

Post a Comment

Related Post