Welcome to DepED Community !!!

Saturday, August 25, 2018

Isang baguhang teacher ang natagpuang walang buhay sa loob ng boarding house.

Ang ACT Region 4A Union at ACT NCR ay nakatanggap ng isang malungkot na balita at kumalat sa Bacoor City. Nakipagugnayan kami sa mga magulang at kamaganak ni teacher Shannen Espino. 


Isang baguhang teacher ang natagpuang walang buhay sa loob ng boarding house.


Kinder teacher si Teacher Shannen Espino. Second week pa lng ng June nag umpisang magturo sa Aniban Central School Bacoor City.

Panganay s 5 magkakapatid. Ayon s tatay na si Ginoong Danny Espino, pagkatapos ng grade 6 nakinanirahan na sa isang kamag anak upang makapag tapos ng pag aaral. Nakapag trabaho s Manila


Masigla at puno ng pangarap para sa mga magulang si teacher Shannen. Hindi na bago sa kanya ang gawaing pang guro dahil tumutulong na din sy sa kanyang mga tiyahin dati na mga guro din... Nakapag turo n din sy sa ilang private school.



Base sa kwento ng kaibigan at kasama s boarding house, ang madalas na ikwento ni teacher Sha ay ang madalas na observation sa kanya. Naka 3 hanggang 4 na siyang n obserbahan. Bukod sa kanyang class schedule 7 to 10 na morning session sa kinder naka duty p sy sa office tuwing 11:00 to 1:00 at may klase uli sy s kinder afternoon 1:00 to 4:00PM session. Aalis sy sa boarding house ng 6AM at nakaka uwi sy ng halos 5PM na din . Ang DLL ng kinder ay inaantay pa ny ma upload hanggang sunday saka p lang sy gagawa ng IM's at isusulat kamay pa ny ito. Halos walang oras sa pag papahinga at pag kain. May isang insidente din na may nagreklamong magulang sa pagaakalang nasaktan ang kanyang anak ngunit ito ay naayos din naman. 


Ito ang naging routine ni teacher Sha sa loob ng halos 2 buwan sa public school.
Wala siyang boyfriend, walang problema sa magulang at hindi din first time na nawalay sa magulang.


Ang pangyayaring ito ay naglalarawan ng ilang maling sistema ng DepEd. Narito ang ilan sa pag susuri..


1. Sobra sa teaching load si teacher Sha, may 2 session sy ng kinder na tig 3 oras, plus may advisory at may ancillary na office work. Bakit hindi mag dagdag ng teacher ang DepEd?? Bakit teacher ang mag duduty sa office para sa ilang gawain ng clerk?


2. Bakit kailangan pang i hand written ang DLL na na download n? Dagdag trabaho at gastos sa guro.


3. Sobra sobrang observations dahil s ipcrf/ppst. Kahit ang matagal nang teacher ay may nerbyos sa observation. Ok lng ang observation ngunit ang naranasan ni teacher Sha na 3 to 4 observation sa loob ng 2 months ay labis namn. Bawat observation ay kinakailangan ng mga IM's, meaning gastos at pahirap nanaman sa preparasyon. Ang kanyang laptop ay kapatid p ny ang bumili at gumagastos din sy sa pag papaprint. Ang ilan sa mga activity ng bata ay sariling gastos din ny.


4. Tali ang kamay ng mga teachers sa child protection policy. Konting pagkakamali reklamo ang aabutin. Paano pinoproteksyunan ng DepEd ang kanyang mga teacher.


5. Alisin ang kulturang pag Bagong Teacher bawal ang magreklamo o maglabas ng saloobin.. Mali ang sabihing "kung ayaw mo sa sistema, umalis k"
Punahin at ituwid ang mali

Ayon kay tatay Danny, nais nyang huwag masayang ang pagkamatay ng kanyang anak. Kung ito ang magiging daan upang mamulat ang DepEd sa bulok na sistema ay handa silang makipag tulungan. 


Ilan na ang mga teachers na tinatapos ang kanilang paghihirap sa maling paraan. Hindi ba dapat na pag isipan na ng DepEd ang kanyang mga polisiya?
Mali ang pag kitil sa sariling buhay, pero huwag husgahan ang mga nakagawa nito... respeto sa mga naiwan. Huwag itago ang katotohanan.


Paki usap din po wag mag labas ng maling impormasyon... Hindi po sy naka uniform nun tinapos ny ang kanyang buhay

#DepEd
#justicekayteacherShannen

ACT Region 4A Union

No comments:

Post a Comment

Related Post