Welcome to DepED Community !!!

Monday, December 10, 2018

43 - Anyos Guro, Nagbigti


NAGA CITY – Patay ang isang guro matapos magbigti sa Barangay San Juan, Iriga City.

Kinilala ang biktima na si Anthony Absalon, 43-anyos.



Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga mula sa Iriga City PNP, nabatid na natagpuan na lamang si Absalon sa loob ng kanyang kwarto na wala ng buhay.

Ginamit umano nito ang isang nylon rope na itinali sa kanyang leeg.

Sinubukan pa sanang itakbo sa ospital ang biktima ngunit idineklara nang dead on arrival ng mga doctor.

Sa ngayon nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad para malaman ang dahilan ng pagpapakamatay ng naturang guro.

Source: bomboradyo

No comments:

Post a Comment

Related Post