Welcome to DepED Community !!!

Sunday, March 17, 2019

Guro, nagpa-lechon matapos ang final exams ng mga estudyante


Hindi nilaga kundi malinamnam na lechon ang gantimpla ng isang guro sa kaniyang matitiyagang estudyante sa Koronadal City, South Cotabato.


Ayon sa ulat sa Balitanghali Weekend ng GMA News TV nitong Linggo, seryoso munang sumabak sa final exams ang Grade 10 class bago pinagsaluhan ang pa-lechon ni Teacher Floyd Tilendo.

May panghimagas pang tsokolate para sa bawat estudyante.
Hindi ito ang unang beses na naghanda ng pagkain sa klase ang guro gamit ang sariling pera.

Ginagawa niya raw ito para lalong ganahang magsikap sa pag-aaral ang kaniyang mga estudyante. 
 Source: GMA

No comments:

Post a Comment

Related Post