Welcome to DepED Community !!!

Sunday, July 14, 2019

Guro inireklamo dahil sa pang-iinsulto sa estudyante


Isang lalaking guro sa isang pampublikong paaralan sa Quezon City ay sinampahan na ng kaso dahil sa umano'y pang-iinsulto at pang-aabuso sa kaniyang mga estudyanteng Grade 6.



Ayon sa kwento ng ina ng isa sa mga bata sa ABS-CBN, bigla na lang dumating ang kaniyang 11 anyos na anak sa kanilang bahay na umiiyak. Kwento raw ng kanyang anak ay finlashlightan sila isa-isa sa palda,

"Noong finlashlightan po silang lahat, isa-isa po silang sinabihan, pagdating sa anak ko inano niya 'yung flashlight sabi niya 'ay walang ***** 'to.'" kuwento ng ina.

Dahil dito aniya, ayaw nang pumasok ang kaniyang anak sa klase sa takot.

Nagsampa na rin ng reklamo ang ina sa eskuwelahan laban sa guro.

Ayon sa Department of Education (DepEd), maaaring masuspinde o matanggal sa trabaho ang nasabing guro, depende sa magiging resulta ng imbestigasyon.


Maaari rin daw  sampahan ng criminal case ang guro sa paglabag sa Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act.

source: abs-sbn news

No comments:

Post a Comment

Related Post